pilipinas, napakahirap mong mahalin

alas kwatro na ng umaga pero napakaingay pa rin ng utak ko.

hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. galit? sakit? dismaya? pilipinas, bakit naman ganito? bakit parang hindi ka na natuto? bakit hanggang ngayon, bulag na bulag ka pa rin sa katotohanan?

for years, simula maka-graduate ako ng college, kahit yata even before that, gustong gusto ko nang makaalis ng pilipinas. pagod na ako sa gobyernong korupt at hindi tapat, mga walang pakealam sa kapwa tao, mga taong pabor sa pagpatay ng tao, mga taong pinapatay nalang ang kung sino na hanggang ngayon, hindi pa rin natin maibigay ang hustisya.

(kian, palagi kitang naaalala. alam ko you would have voted alongside the youth if only you weren’t shot at 17. i’m sorry we’re still in this fucking shithole.)

pagod na akong tumira sa bansang hindi makapagbigay ng tamang sweldo, sa bansang hindi pantay ang trato sa mayaman at mahirap, sa bansang ang tanging umaangat lamang ay ang mga nasa itaas.

good governance. that’s the only thing we’re asking for.

ngayon nalang ulit ako nagkaron ng pag-asa na baka this time, mag-iba na. baka this time, mabago na. kasi hindi man perpekto yung gusto kong mamuno ng bansa, alam kong puro yung intentions nya. clean records, great credentials, at napakadaming resibo sa mga nagawa na nya. totoong may malasakit sa tao, totoong walang ibang hangad kundi umangat ang buong bayan.

ngayon nalang ulit, nawala pa.

after graduation, umalis na agad ako and left for uae because a better life awaits me there. doon, maganda ang buhay. maganda ang kitaan ng pera. napakaganda ng pamumuno at pagdidisiplina ng gobyerno sa mga tao. to the point na handa na akong talikuran ang pilipinas. kayang kaya ko na, sa totoo lang.

hindi naman kasi ako yung taong mabilis ma-homesick. simpleng chat or call lang through messages with the people i love, okay na ako. i was never the type na ma-foFOMO dahil malayo because #1, hindi naman ako gala talaga at #2, people drain me. masaya na ako sa konting taong nagmamatter sa buhay ko.

it’s been three years since last uwi ko ng pinas. almost 5 months na yung stay ko ngayon bilang extend ako ng extend kasi may inaayos pang problema sa bahay. pero aside from that, masaya ako. naeenjoy ko na ang pilipinas. ayoko na nga sanang umalis because i finally found my reason to stay.

pero para saan pa? if the person who’s going to lead the country is someone who fakes his degree, evades taxes at proven magnanakaw? ni hindi nga siya maka-attend ng mga debate during his candidacy tapos aasahan nyong nandyan sya para sa pilipinas when shit hits the fan?

ang ikinakasama pa ng loob ko – na talagang sobrang sobrang sama talaga – e ang mga kamaganak kong supporter niya.

mga ano naman daw kung hindi nakapagtapos. huh? yung iba nga iginagapang ang pag-aaral nila, makatapos lang ng kolehiyo tapos ang pipiliin mong presidente, walang pinag-aralan? ano naman daw kung hindi nagbabayad ng buwis, kung gusto ko daw e ako ang magbayad. huh? matagal na kong nagbabayad ng tax. kahit ikaw mismo nagbabayad ng tax tapos yung ibinoto mo, hindi?

inilaban ko. inilaban ko hanggang dulo. sinabi kong hindi sila ang kawawa, kami. kaming mga anak nila.

sana yung mga bbm na magulang nakinig sa mga anak nila. kami yung aware, yung marunong magfilter ng fake news sa hindi, yung nagreresearch. kami yung lumalaban kasi future namin yung inilalaban namin. sa amin na to. pero napakahirap magpaliwanag sa mga panatikong bulag sa katotohanan. give them facts pero di sila makikinig. tamad magbasa. main source: facebook at tiktok.

hindi ako relihiyosong tao. my previous posts were all about my faith and how tarnished it is. pero pucha, ipinagdasal ko to.

na sana dumating yung araw na hindi na kailangang umalis ng mga taong malapit satin para lang mabigyan tayo ng “better life.” my brother & i grew up having an incomplete family kasi my dad had to sacrifice and work abroad for us. hanggang ngayon, nasa uae pa rin siya. it’s been 20 years.

ayoko nang maranasan yun ng mga magiging anak ko. gusto ko lang ng buong pamilya dahil hindi ko yun naranasan paglaki. ayokong ipagkait yun sa kanila dahil lang kelangang sa malayo magtrabaho kasi palpak ang gobyerno. nakakapagod.

sana nga tama kayo at mali kami. pero kung hindi, tangina. i’m not one to wish other people harm. pero since dinamay nyo na kami sa kalokohan nyo, sana kung dumating man yung time na mas dama yung hirap dahil sa desisyon ng presidente’t bise presidente nyo, sana ang unang makaramdam, kayo. mararanasan din naman namin yon, united tayo eh diba? pero sana mauna kayo. deserve nyo yon. ginusto nyo yon.

hay!! hindi pa tapos ang laban. baka mamaya mega rant ako tapos landslide si madam paggising ko. sana nga. sabi nga, kulay rosas ang bukas; hindi ngayong gabi. cheret

pero kung hindi at talagang nanalo ang kabilang kampo, habang buhay ko kayong ijujudge lalo na yung bumoto kay robin padilla. anong gagawin non sa senado? siya na mismo ang nagsabing pag nanalo siya, maghahire nalang sya ng lawyers to make the laws for him. e ano pang silbi mo? para kang nag doctor tapos hinihintay mo yung pasyenteng mag-opera ng sarili niya.

remember: the people you voted for reflect your values in life. anong bati-bati after election? ulol. di ako magsusulat at magooverthink hanggang alas singko ng umaga, partida may date pa ako ng maaga mamaya, para don.

magbati kang mag-isa mo.

15 thoughts on “pilipinas, napakahirap mong mahalin

  1. girlll!!! natulog akong mugto ang mata dahil sa hagulgol ko kagabi, kasi same sentiments, nakita kong babagsak ang future ko dito, pero nakita ko rin ang speech ni VP Leni paggising ko at ang pinost ng kapatid ko (hindi pala post yan), sabi sa post, “ang huling nanakawin nila sayo ay pag-asa, wag mo tong ibibigay!” laban hanggang sa huli! hindi pa tapos ang laban!

    Liked by 1 person

    1. Dito ako magcocomment para mabasa din ni Mars. Hindi ko pa pinapanood yung video ni VP Leni. Mamya na pag-uwi dahil baka kako humagulgol ako dito sa office. Pero langya, pagkabasa ko nito gusto ko ngumawa. Ang sakit-sakit sa heart. Tae na turuan niyo ko magmuraaaaaa!!!!

      Liked by 1 person

    2. Wahahaha kamusta kayo girls? Moving forward na ba ang mood natin? Naiyak pa rin ako sa thanksgiving rally pero watch and observe muna in the coming months. Sana maka contribute rin sa Angat Buhay NGO nila! Di pa tapos ang laban!

      Liked by 1 person

  2. Same sentiments. Huhuhu.

    Ramdam ko yung hirap sa pagtindig pag lahat ng nakapaligid sayo eh tanga. Nakakapanlumo kasi talaga.

    Sarap isagot sa nanay ko kaninang kay BBM at Robin manghingi ng pambayad niya ng kuryente. Huhu.

    Liked by 2 people

  3. ramdam ko yung galit, ramdam ko yung lungkot. ang sakit, sobra. hindi ako nakatulog kasi nakaabang ako na baka may magbago, pero ewan ko ba. hindi ko makuhang kwestyunin yung 30M na mga yun pero sana nga tama sila. sana talaga. at sana hanggang sa huli din kaya nilang ipagtanggol ang napili nila.

    Liked by 2 people

Any thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s