Kunwari nasa Tumblr tayo

Hindi ko alam kung ilang beses ko pa bang sasabihin ‘to, pero mamsh, ang hirap. Napakadaming nangyayari, pakiramdam ko pagod na pagod na ‘yung buong pagkatao ko. Gustuhin ko mang isa-isahin pero parang ayoko nalang rin pag-aksayahan pa ng oras.

Nagbabasa lang ako ng blogs nung isang gabi, tamang catch up lang, tapos meron akong nabasa, sabi miss na daw n’ya ‘yung personal blogging. Miss na daw n’ya ‘yung nagsusulat lang s’ya para sa sarili n’ya. Napaisip naman ako bigla at napasabing, “hala ako rin.”

Naalala ko bigla ‘yung panahon na wala akong pakealam kung may magbabasa ba ng mga sinusulat ko; basta magsusulat lang ako kasi gusto ko. Perfect example, Tumblr era. 2009 yata ako nag-start non. Second year highschool ako. Tamang chismis lang kung anong nangyari sa araw ko, tamang share lang ng pictures, kebs kahit ano pa ‘yan. Abangers lang sa posts nina pilosopogyno, nagpatukso, o kaya matabangutak. Lumalagablog pa ‘yung url ko no’n, o diba, witty.

Anyway, ‘yun nga. Parang napaisip lang ako bigla na bakit hindi ako bumalik sa ganun? Etong blog ko kasi, personal blog naman talaga s’ya. Hindi ko lang s’ya masasabing may walang-pakealam-vibe dahil ginagawa ko ‘tong “portfolio” whenever I apply to jobs related to writing minsan. Dahil do’n, hindi ko maiwasang gawing presentable o kaya disente ‘yung mga post ko kasi iniisip ko na paano kapag napadaan ‘yung employer sa blog ko?

I mean.. wala naman akong sinasabing masama at bihira naman akong magmura pero gets? Feeling ko it was hindering me from writing things wholeheartedly. That night, narealize ko ring babalik na ulit ako sa pagsusulat para sa sarili ko. Baka sakaling mas magkaron ako ng motivation to write more. Pero hindi ko sinusukuan ‘yung pangarap kong maging writer ha. Gagawa nalang ako ng matinong portfolio para do’n.

Nagluto nga pala ako ng chicken alfredo ulit kanina. Pangalwang beses na pero fail pa rin. Nung unang beses akong nagluto last April, sobrang alat ng kinalabasan. This time, pagkatapos kong bawasan lahat ng salt related thing at panonood sa YouTube ng sandamakmak na recipe, ayon, maalat nalang. Hahaha lintek ‘yan. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuha kuha ‘yung lasang gusto ko. Hindi ko alam kung ano pa bang mali bukod sa hindi ko matantsa-tantsang paglalagay ng asin. Mali ba ‘yung cream na ginamit ko? Dapat ba dasalan ko muna bago ako magluto? Lord, ano pang kulang?!

O diba mukha namang masarap. Mukha lang.

Excited rin akong magpost araw-araw sa IG Story ng “books that I love” na tinag sa’kin ni Madam Aila. Kanina, Every Day by David Levithan ‘yung shinare ko. Isa talaga ‘yun sa mga paborito kong libro. Hindi ko pinagdadamot ‘yun; as in, kapag may nagtatanong sa’kin anong book irecommend ko, isa ‘yun sa mga sinasabi ko.

Naging paborito rin ‘yung nung huli kong jowa. Favorite namin ‘yun parehas. Yamot na yamot lang ako kasi last year, nung uso pa sa’kin mag-stalk, biglang nakita ko nalang na binabasa na rin s’ya ng bago n’yang jowa. So parang ako ??? Dinamdam ko ‘yun mga ses for a while! Kasi hello? Parang.. atin ‘yan diba? Walang ibang librong pwedeng i-share? Haha. Pero narealize kong wala naman nang sa amin that time so keri. Wala na akong pakealam. Thinking about it now, napaisip pa ako na, akala ko ba hindi ko pinagdadamot ‘yung libro? Ba’t ako nayamot?

Anyway, change topic. Kahapon, napa-order ulit ako ng fastfood. Sabi ko ‘di muna ako mag-fafastfood hangga’t may #ChloeTingChallenge pero ‘yon, order si bakla. Ginawa pang dahilan ‘yung “feeling ko magkakaron na ‘ko” ok ka lang girl? Sobrang less pa ng serving this time, naloka ako nag-social distancing din ‘yung pagkain. Sabi ko stop ang fastfood, ang nangyari, stop Chloe Ting. Lugi. Nakaabot naman ako ng Day 6.

‘Yun lang naman. Wala namang masyadong bago sa’kin. Nag-enjoy lang ako mag-exercise lately kasi nga may yoga mat na ako. Akala ko kasi makakalimutan ko ‘yung pagod ko as a whole kapag napagod ako mag-exercise kaso hindi pala. Iba na nga pala ako. Masyado ko nang mahal ‘yung sarili ko to the point na hindi ko na s’ya kayang lokohin. Char. Sabi nga nung artistang ‘di ko maalala sa sineng ‘di ko maalala, “I’ve changed! I’ve changed for the better!”

Sana ‘yung gobyerno rin.

Love, Amielle


Photo by Ava Sol on Unsplash

22 thoughts on “Kunwari nasa Tumblr tayo

  1. Ramdam ko yung ang pagsusulat e nagiging performative, parang sasali ako sa essay writing contest kaya madalas din akong madismaya sa sarili ko. At tsaka, nakakamiss din yung Tumblr way of writing ano. Haha! Anyway, enjoy your pasta!

    Liked by 2 people

  2. Dama ko yung sa Everyday na nayamot ka na part hahahaha buti nalang di ka na yamot at wala naman nang inyo nung time na yon, pero ako ay mayayamot parin kay ate gurl hahaha

    Baliktad naman tayo ng problema sis. Ako gusto ko naman sanang gawing portfolio kaso sobrang lala ng blog ko kasi lagi nga ako nagsusulat for me myself and I leche hahaha so ayun hassle. Pero basta, ang importante nakakasulat tayo. At importaante yung mahal kita <3 hihihi seryoso yan promise hihi

    Liked by 2 people

  3. Relate ako dun sa tumblr days. HAHA Dun din ako nagstart magblog blog ganun, napadami ng sulat ng mga tula, nainspire magexplore at magtry sumulat ng iba pang klase ng mga sulatin. Namiss ko naman tuloy bigla. HAHA

    Liked by 2 people

    1. Naku nakalimutan ko na sa tagal na ba naman kasi eh, pero may isa akong naaalala depletedneuron ata yun eh. Actually you mentioned matabangutak, familiar yang name na yan naging reader din yata niya ako. ginger-aile yata url ko dun eh. HAHAHA

      Liked by 1 person

Any thoughts?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s